Unang sabak ko ito sa pagsusulat ng blog .... na-inspire ako sa blog ng iba .... kaya eto sabi ko eh "go and try ko din nga!" .... pampalipas oras habang break sa school ... para din mailabas ang napakaraming bagay-bagay na umaandar, tumatakbo, gumagalaw at nagsisirko sa aking isipan ....
Saka pangarap ko din talaga ang magsulat ng kung anik-anik .... pwede din na gawin kong parang diary ang blog ... dahil minsan may mga saloobin na mas madaling isulat kaysa isiwalat sa iba .... ito ang aking magiging sumbungan, kaututang dila, kakampi, karamay at bff ... na kahit na anong sabihin ko ay mananatiling tahimik ... hindi manunumbat o magkwekwenta at lalong hindi magkwekwento sa iba hehehehehe ...
Kaya ........ eto na ako ... magsisimula ng maglabas ng aking sandamakmak na saloobin ... Yehey!!!
No comments:
Post a Comment