Sunday, May 29, 2011

Sana ....

Napakaraming bagay ang lumulukso at nagsisirku-sirko dito sa isipan ko ... simpleng bagay-bagay na kung para sa iba ay sasabihin nilang  "NO BIG DEAL!" ... pero para sa akin ay iba eh! ... big deal talaga  as in BIG ... hindi ko nga alam kung ano ang una o simula ... basta ang alam ko nakakahilo ng puso at isipan ang mga kung anik-anik na ito .... hay naku, ang life talaga!!! NAKAKALOKA NG SOBRA ...

Sana ... ang buhay ay tulad ng gameshow na  "Who wants to be a millionaire?"  na pwedeng madiskartehan sa tulong ng iba't-ibang lifelines ... na kapag hindi alam ang dapat na gawin ay pwedeng "mag- ASK the audience" ...  kapag masyadong maraming pagpipilian naman na desisyun ay pwedeng "mag- 50/50" para bawas ang choices ...  at pwede ang "swap" kapag nabibigatan  na sa pinapasan na problema .... well, may isang lifeline na madalas na ginagamit ... ito ang  "call a friend"  ... oks ito pero depende sa friend ... dahil may mga friend na medyo ginagawang complicated ang sitwasyon kaya mas nagiging mahirap ang pinagdaraanan ... yun bang tipong nag-iinject ng mga bagay-bagay na sa katagalan ay nagiging multo na tumatakot ...  pero infairness,  may friend din naman na talagang nakakatulong ... dahil pilit nyang ipinapaling ang ulo mo sa ibang direksyon (sukdulang batukan ka nya)  upang makita mo na hindi pala lahat ng daan ay "one way" at "do not enter" ...  na minsan ay "detour" lamang ang kailangan ....

Sana ... meron  "magic lamp"  kung saan may isang "genie" na pwedeng lumabas upang makapag-wish  ... para magkarun ng katuparan ang nais ng puso ko ... para mawala ang mga bumabagabag sa isipan ko .... para mapagaan ang bigat na pinapasan ko ... para madama ang tunay at buong kaligayahan na minimithi ko ... 


Sana ... maranasan ko din ang swerteng nararanasan ng iba  ... hindi sa malas ako kundi may mga kakulangan lamang  ... hindi sa naiinggit ako pero parang ganun na nga yata ... sabagay, sa buhay ba namang ito sino ang hindi naiinggit o nananaghili sa magandang kapalaran ng iba ... hindi sa hinahangad ko ang ikababagsak ng iba kundi ang paghahangad ko na  "sana" man lang ay matulad ako sa kanila ...  


Siguro ganun talaga,  may mga taong inuusal pa lang ang nais ay bumabagsak na agad ito sa harapan nila ... hindi na kinakailangan na pagpawisan at paghirapan  ...  sad to say hindi ako kabilang sa kanila ....  kaya nga medyo may bahid ng bitterness ang blog kong ito dahil HINDI nagkakarun ng katuparan ang naisin ng puso ko ... kaya nakakalungkot man ... nakakabagsak man  ... nakakalugmok man ... HINDI ako dapat na maapektuhan ng todo dahil ito ang aking ikawiwindang ... kailangan kong muli't-muling buuin ang sarili ko sa bawa't pagkabagsak o pagkalugmok sa mga frustrations na nadarama ko ... HINDI ako dapat na magpatalo ... upang magkarun ng katuparan ang lahat ng  nais ng puso ko ... upang lahat ng "sana" ay maging TOTOO !!! 

Wednesday, February 23, 2011

First time ....

Unang sabak ko ito sa pagsusulat ng blog .... na-inspire ako sa blog ng iba .... kaya eto sabi ko eh "go and try ko din nga!" .... pampalipas oras habang break sa school ... para din  mailabas ang napakaraming bagay-bagay na umaandar, tumatakbo, gumagalaw at nagsisirko sa aking isipan ....

Saka pangarap ko din talaga ang magsulat ng kung anik-anik .... pwede din na gawin kong parang diary ang blog ... dahil minsan may mga saloobin na mas madaling isulat kaysa isiwalat sa iba ....  ito ang aking magiging sumbungan, kaututang dila, kakampi, karamay at bff  ... na kahit na anong sabihin ko ay mananatiling tahimik ... hindi manunumbat o magkwekwenta at lalong hindi magkwekwento sa iba hehehehehe ...

Kaya ........ eto na ako ... magsisimula ng maglabas ng aking sandamakmak na saloobin ...  Yehey!!!